Kahapon po ay libing ni Ka Bel. Kasama si Nanay at Tatay, pumunta po kami sa Batasan upang magbigay ng pagpupugay.
Syempre pinalipas na ng mga Marines ang pag-inspeksyon sa akin.

Pagdating namin sa entrance ng Batasan South Wing, kami ni Nanay at Ninang Cathy ay nagpicture taking.
Bongga pala ang pagsalubong ng Batasan sa mga baby tulad ko. Tingnan po ninyo at red carpet ang inaapakan ko.
Habang nag-iikot-ikot sa Batasan, si Lolo Gil po ay aking namataan.
Syempre sa lahat ng iyan, si Lolo ay di mawawala. Picture dito, picture doon. At nang ako ay makita, di na nakatiis. Ako po ay kinarga.
Marami pong comrades ang sa akin nakapansin. Tulad po ni Tito Nato, na spokesperson ng Bagong Alyansang Makabayan.
At si Tita Ofel, anak po ni Ka Bel.
Syempre marami pa pong iba, nariyan sila Ninang Reileen, Tita Marge, Lola Ces at ang kanilang tropa.
Pati si Tita Ruth, asawa ni Ka Teddy Casino ng Bayan Muna, ay napatingin.
Karga po ako ni Nanay habang kami po ay nagmamartsa’t nagbibigay-pugay.
Pagpupugay at paalam, Ka Bel!
Posted in Baby Post | Tagged beltran, crispin, elian, ka bel | 1 Comment »




























































































